Good job, mamang pulis! Crime rate sa PH, bumaba ng 7.84% — PNP

Inanunsiyo ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Sabado, Setyembre 16, na bumaba sa 140,778 ang mga krimen na naitala ng kapulisan mula sa 152,753 nakaraang taon—o mas mababa ng 7.84 porsyento kumpara 2022.

Inanunsiyo ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Sabado, Setyembre 16, na bumaba ng 7.84 porsyento ang crime rate sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng PNP, may naitalang 140,778 krimen year-to-date, na mas mababa sa 152,753 na naitala nakaraang taon.

“I’m pleased to announce that the overall crime rate has a significant decrease this year. From January 1 to September 15, 2023, we recorded 11,975 fewer incidents compared to the same period last year. This represents a 7.874% drop in the crime rate,” pahayag ni Acorda sa isang weekly news forum sa Quezon City.

Sinabi ni Acorda na ang nasabing pagbaba ay bunga na rin ng mas pinaigting na mga operasyon laban sa krimen at ang dedikasyon ng kapulisan na mapanatili ang peace and order sa bansa.

“In the realm of maintaining peace and order, the Philippine National Police has been tirelessly working to ensure the safety and security of our beloved nation,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nangako si Acorda na mas pagbubutihin pa ng PNP ang kanilang mandato, kabilang na ang paglilinis sa mga ranggo nito sa mga tiwaling pulis.