Good job! LRT-1 pinalakpakan ng netizens sa pagsagip sa asong naligaw sa riles

Naligaw ang isang aso sa gitna ng kahabaan ng riles ng LRT Line 1 na tila pasensosyong hinintay na makatawid ng driver ng tren sa may bandang Gil Puyat station.

Naligaw ang isang aso sa gitna ng kahabaan ng riles ng LRT Line 1 na tila pasensosyong hinintay na makatawid ng driver ng tren sa may bandang Gil Puyat station.

Mapapanood sa viral video sa TikTok ang sobrang bagal na takbo ng LRT na dahil pala’y sa isang asong hinihintay na makatawid nang ligtas sa susunod na istasyon.

“Nasakyan namin kanina ‘yan, as in, super slow drive lang siya mag-drive gawa [niyan],” comment ng isang netizen sa nasabing viral video.

“Pasahero din ako ako [diyan] kanina, kaya pala. Mula Gil Puyat yata, mahina na takbo hanggang next station,” saad pa ng isang netizen.

Pinasalamatan naman ng mismong nag-upload ng video sa TikTok ang driver ng nasabing tren ng LRT.

“Kudos sa driver ng tren! Paano ka nakarating [diyan]. Pagod na siya,” sabi ni Sharmaine Facto, uploader ng viral video.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), kinupkop ng Loved by Gapz-Animal Rescue Inc. ang cute na aso na binigyang pangalan na “Liberty” kung saan kasalukuyang pinaghahanap ang may-ari nito.