Good job kay Romualdez! Recto, tinupad pangako sa taripa sa imported rice

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang pagtupad ni Finance Secretary Ralph Recto sa pangakong babaaan pa ang ipinapataw na taripa para sa mga imported na bigas.

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang pagtupad ni Finance Secretary Ralph Recto sa pangakong babaaan pa ang ipinapataw na taripa para sa mga imported na bigas.

Ayon kay Romualdez, dahil dito ay mas mapapababa na ang presyo ng bigas sa lokal na mercado. Mula kasi sa 35% na taripa ay target ni Recto na pababain ito sa 17.5%.

Dagdag ni Romualdez, patuloy pa rin na makakatanggap ng suporta ang mga magsasaka mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na pinondohan mula naman sa mga nakokolektang taripa sa ilalim ng Rice Tariffication Law (Republic Act 11203).

“Our goal is to lower food prices while protecting local farmers and producers. We hope to do this by increasing local procurement and adjusting import tariffs,” sabi ni Romualdez.

Giit pa ni Romualdez na dapat magkaroon ng mas mahigpit na kontrol sa retail market upang maiwasan ang manipulasyon sa presyo at protektahan ang mga mamimili.

Samantala, layunin ng pamahalaang Marcos na pababain ang presyo ng bigas na minsang ipinangako ng pangulo noong eleksyon ang bente pesos per kilo na bigas.