Good job ka dyan, Mr. President! Paglago ng ekonomiya, resulta ng magagandang polisiya ni PBBM—mambabatas

Tumaas ang employment rate sa 95.8% na pinakamataas sa 18 na taon, samantalang 5.9 porsiyento naman ang naitalang gross domestic product (GDP) growth ng bansa sa ikatlong yugto ng 2023, na siyang pinakamataas sa Asya.

Pinuri ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalago nito sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kina Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr. at Senator Francis Tolentino, ang mga hakbangin ng pangulo upang mapabuti ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagbubunga na.

Bilang patunay, itinuro ni Haresco, na isa ring ekonomista at miyembro ng House Economic Affairs Committee, ang pagtaas ng employment rate sa 95.8% na pinakamataas sa 18 na taon, at ang 5.9% gross domestic product (GDP) growth nito sa ikatlong yugto ng 2023, na siyang pinakamataas sa Asya.

BASAHIN RINPagbaba ng inflation at unemployment, patunay na epektibo ang mga inisyatibo ng gobyerno—PBBM

“These are the unmistakable fruits of government policies to boost employment, spur economic growth and tame inflation,” ani Haresco.

Ikinatuwa naman ni Tolentino ang pagtaas ng employment rate, na aniya ay patunay na nakapagbibigay ng magandang trabaho ang gobyerno.

Pinapurihan rin niya ang patuloy na pagpapatayo ng gobyerno ng mahahalagang infrastructure projects na mas magpapayabong sa ekonomiya ng bansa.

“These new public works are key to attracting investments and increasing productivity which in turn generate employment and taxes which in turn fund more infra construction,” aniya.

“This is the virtuous cycle in fiscal management the government has been practicing. Build Better More is also a jobs program.”

Kaugnay niyan ay hinimok ng pangulo ang lahat na magtulungan pa upang mabigyan ng magandang trabaho ang marami pang Pilipino.

BASAHIN RINLahat dapat may ambag sa kaunlaran: Magkaisa para mabigyan ng magandang trabaho ang mga Pilipino–PBBM

si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalago nito sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kina Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr. at Senator Francis Tolentino, ang mga hakbangin ng pangulo upang mapabuti ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagbubunga na.

Bilang patunay, itinuro ni Haresco, na isa ring ekonomista at miyembro ng House Economic Affairs Committee, ang pagtaas ng employment rate sa 95.8% na pinakamataas sa 18 na taon, at ang 5.9% gross domestic product (GDP) growth nito sa ikatlong yugto ng 2023, na siyang pinakamataas sa Asya.

BASAHIN RIN: Pagbaba ng inflation at unemployment, patunay na epektibo ang mga inisyatibo ng gobyerno—PBBM

“These are the unmistakable fruits of government policies to boost employment, spur economic growth and tame inflation,” ani Haresco.

Ikinatuwa naman ni Tolentino ang pagtaas ng employment rate, na aniya ay patunay na nakapagbibigay ng magandang trabaho ang gobyerno.

Pinapurihan rin niya ang patuloy na pagpapatayo ng gobyerno ng mahahalagang infrastructure projects na mas magpapayabong sa ekonomiya ng bansa.

“These new public works are key to attracting investments and increasing productivity which in turn generate employment and taxes which in turn fund more infra construction,” aniya.

“This is the virtuous cycle in fiscal management the government has been practicing. Build Better More is also a jobs program.”

Kaugnay niyan ay hinimok ng pangulo ang lahat na magtulungan pa upang mabigyan ng magandang trabaho ang marami pang Pilipino.

BASAHIN RIN: Lahat dapat may ambag sa kaunlaran: Magkaisa para mabigyan ng magandang trabaho ang mga Pilipino–PBBM