Good choice! Obiena, Didal, flag bearer ng Pilipinas sa darating na Asian Games

Inanunsiyo na ng Philippine Olympic Committee na dalawa sa pinakamagaling na atletang Pinoy—sina Margielyn Didal at EJ Obiena—ang naatasang maging flag bearer ng bansa sa nalalapit na Asian Games.

Dalawa sa pinakamagaling at hinahangaang atletang Pinoy ang naatasang maging flag bearer para sa Pilipinas sa darating na Asian Games sa Hangzhou, China.

Inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino nitong Lunes, Setyembre 18, na sina skateboarder Margielyn Didal at pole vaulter EJ Obiena ang magiging flag bearer ng bansa sa pinakamalaking sporting even sa Asya, na magsisimula nitong Setyembre 23.

Sa send-off ng mga atletang lalaro sa Asian Games, sinabi ni Tolentino na target ng Pilipinas na higitan ang 19th place finish nito noong 2018, kung saan nanalo ito ng 4 na ginto, 2 pilak, at 15 tansong medalya.

“We will try to beat the previous record in the last Asian Games… It will be a big challenge to us, pero alam kong kaya natin iyan,” pahayag ni Tolentino. “May paghuhugutan tayo kahit kulang ang ating mga elite athletes na nasa ibang competition na kasabay ng Asian Games. I believe we can still do it.”

Isa si Didal sa nagapagbigay sa Pilipinas ng noong 2018 sa skateboarding, samantalang nakapagbigay na rin si Obiena ng mga medalya sa bansa sa iba’t ibang patimpalak.