Good boy, Appa! Hero dog sa Masara landslide, pinarangalan

Ginawaran ni Bise Presidente Sara Duterte ng bronze cross medal ang asong si "Appa" dahil sa pagtulong nito sa search and rescue operation kaugnay ng Masara landslide sa Maco, Davao de Oro.

Ginawaran ni Bise Presidente Sara Duterte ng bronze cross medal ang asong si “Appa” dahil sa pagtulong nito sa search and rescue operation kaugnay ng Masara landslide sa Maco, Davao de Oro.

Si Appa, siyam na taong gulang na aso na mixed breed ng Aspin at Golden Retriever, ay tumulong sa paghahanap ng mga nasawi sa naturang landslide. Bukod pa rito, isa siya sa nakatunton sa survivor na tatlong taong gulang na bata.

“Appa teaches us that anyone, regardless of labels, can make a difference. His courage reminds us to cherish our animal companions more,” saad ni Duterte.

Tumanggap din ng parangal ang handler ni Appa na si PO2 Alfie Baba mula sa Philippine Coast Guard.

Bukod kay Appa, tatlo pang aso ng Coast Guard ang kinilala ni Duterte sa kanilang kontribusyon sa search and rescue operation.

“During tough times like these, instead of being disheartened or fearful, you were brave, compassionate, and fearless. Your acts of courage and kindness helped the community survive those dark hours and kept their spirits alive, providing much needed hope,” dagdag pa ng bise presidente.