Golden gift: P50K ipapamigay sa mag-asawang 50 yrs nang kasal sa Nueva Vizcaya

Makakatanggap ng P50,000 ang mga mag-asawang 50 taon nang kasal sa Nueva Vizcaya bilang pabuya sa matagal na pagsasama at malusog na relasyon.

Makakatanggap ng P50,000 ang mga mag-asawang 50 taon nang kasal sa Nueva Vizcaya bilang pabuya sa matagal na pagsasama at malusog na relasyon.

Ayon sa Ordinance 2024-248 o ang “Nueva Vizcaya Enduring Devotion Award Ordinance,” bukod sa pinansyal na pabuyaan, bibigyan ng plaque of recognition at letter of felicitation ng gobernador ng probinsya ang mga mag-asawa.

Mayroon din silang free regular check ups saan mang medical facility sa pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan.

“The Sangguniang Panlalawigan takes high regard of flourishing marriages and recognizes Novo Vizcayano couples who have stood the test of time, challenged their commitment, and are celebrating their 50th Wedding Anniversary, to serve as a paradigm for the emulation of the present and future generations,” saad sa ordinansa.

Sasalain ng Provincial Social Welfare Development Office ang mga magpapasa ng application.

Kabilang sa requirements ang marriage certificate patunay na kasal ang mag-asawa ng 50 taon, malinis na record ng Anti-Violence against Women and their Children Act, at indigency sa Nueva Vizcaya, at iba pa.