‘Golden age’: Ugnayan ng Pilipinas at Japan, lalong gumaganda, tumitibay pa

Sa kaniyang talumpati sa Kamara, ibinida ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang matibay na ugnayan ng Japan at Pilipinas, na aniya'y nasa golden age na.

“Golden age.”

Ganiyan inilarawan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang ugnayan ng Pilipinas at Japan matapos itong makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes, Nobyembre 3.

“The relationship between Japan and the Philippines has made great strides over the past half-century. I believe that the people-to-people connection is a bedrock to this relationship,” saad ng prime minister sa kaniyang talumpati sa Kamara nitong Sabado, Nobyembre 4.

Ibinida rin ni Kishida ang matagal nang pagsuporta sa Pilipinas ng Japan, na patuloy na namumuhunan sa bansa. “Japan is one of the largest investors in the Philippines on a private sector basis. Public-private partnerships and investment companies that contribute to carbonization are also underway,” saad pa niya.

“The public and private sectors are evenly working together to support the economic growth of the Philippines.”

Kaugnay niyan, tiniyak rin ni Kishida na tutuparin ng Japan ang mga ipinangako nitong tulong sa iba’t ibang larangan, kabilang na ang seguridad, ekonomiya, at iba pa.