Gobyerno ni PBBM, hindi kailangang ituloy ang imbestigasyon sa EJK noong panahon ni Duterte—Korte Suprema

Sinabi ng Korte Suprema na hindi kailangang ituloy ng gobyerno ang pag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi kailangang ituloy ng kasalukuyang gobyerno ang pag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings noong pamahalaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema noong Agosto 30 na inilabas lamang nitong Sabado, Nobyembre 18, hindi maaaring gawing basehan ang writ of continuing mandamus para obligahin ang pamahalaan na ituloy ang mga sinimulan nang imbestigasyon dahil mga environmental cases lamang ang saklaw nito.

Paliwanag pa ni Associate Justice Maria Filomena Singh sa kaniyang desisyon, walang sapat na ebidensiyang magpapatunay na hindi ginawa ng mga nireklamo ang kanilang tungkulin kontra sa extrajudicial killing.

Kabilang sa mga nireklamo ng ilang abogado kaugnay niyan ay si dating Philippine National Police (PNP) chief Sen. Ronald dela Rosa, ang yumaong Commission on Human Rights (CHR) chairman na si Jose Luis Martin Gascon, at dating Department of Justice (DOJ) secretary Vitaliano Aguirre II.