Gmail magsasara na? Fake news!

Usap-usapan ngayon sa social media platform X (Twitter) ang ‘di umano’y pagsasara ng e-mail service ng Google na Gmail.

Usap-usapan ngayon sa social media platform X (Twitter) ang ‘di umano’y pagsasara ng e-mail service ng Google na Gmail.

Ito’y kasunod ng pagkalat ng isang screenshot ng Google announcement hinggil sa pagsasara o “sunsetting” ng Gmail.

Agaran naman itong pinabulaanan ng sikat na e-mail service.

Sa isang X (Twitter) post, sinabi nitong mananatili ang kanilang serbisyo sa kulang-kulang 2 bilyon users nito.

“Gmail is here to stay,” saad ng email service.