GMA ‘no comment’ sa pagbibitiw ni VP Sara sa DepEd

Mas pinili ni dating pangulo at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na hindi na lang magkomento sa ginawang pagbibitaw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Nitong Hunyo 19 kasi ay inanunsyo ni VP Sara ang kanyang pag-alis sa posisyon.

Ayon kay Arroyo, naiintindihan niya umano kung bakit hindi isinapubliko ng Bise Presidente ang kanyang rason sa pagbibitiw.

Dahil dito, wala aniya siya sa posisyon para magbigay pa ng kahit anong komento.

“I understand the vice-president did not give a reason for resigning from the Cabinet. Thus, I am not in a position to give a statement,” pahayag ni Arroyo.

Samantala, magiging epektibo ang pag-alis ni VP Sara bilang kalihim ng DepEd sa Hulyo 19 upang bigyang daan ang transition sa pumunuan.