GMA kinumpirma tigil-ere ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

Nagsalita na ang GMA-7 tungkol sa pagtigil produksyon ng noontime show na 'Tahanang Pinakamasaya'.

Nagsalita na ang GMA-7 tungkol sa pagtigil produksyon ng noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’.

Ayon sa pahayag ng Kapuso network, nagdesisyon ang TAPE, Inc. na huwag nang ipagpatuloy ang pag-ere ng kanilang programa.

“Due to unavoidable circumstances, TAPE has made the difficult decision to cease the airing of ‘Tahanang Pinakamasaya’,” ayon sa pahayag ng GMA Network.

Nagpasalamat din ang GMA sa naging kontribusyon ng production company ng mga Jalosjos, na hinawakan ang longest-running noontime show na ‘Eat Bulaga’ bago ito malipat sa TV5.

“GMA Network would like to thank TAPE for its invaluable contribution to noontime programming for the past decades, which Filipinos will surely remember for many years to come,” saad pa ng network.

Samantala hindi pa inaanunsyo kung anong papalit sa timeslot na iiwan ng ‘Tahanang Pinakamasaya’.

Sa mga nakalipas na araw, pinuno ang noontime slot ng GMA-7 ng mga replay ng naturang programa ng mga Jalosjos.