GMA-7 tsinugi na ‘Tahanang Pinakamasaya’

Simula Lunes ay mga replay na lamang ng programang 'Tahanang Pinakamasaya' ang mapapanood sa noontime slot ng GMA-7.

Simula Lunes ay mga replay na lamang ng programang ‘Tahanang Pinakamasaya’ ang mapapanood sa noontime slot ng GMA-7.

Ayon sa ulat ng Abante Tabloid, ang episode ng naturang programa noong Sabado, Marso 2, ang huling pag-ere ng noontime show.

Masyado raw mahal ang bayad sa airtime ng ‘Tahanang Pinakamasaya’. Bukod pa ito sa talent fee ng mga host na sina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong, at magkapatid na Cassy at Mavy Legaspi.

Dagdag pa ng source, mutual ang naging desisyon ng GMA-7 at ng producer na TAPE, Inc. na itigil ang naturang palabas.

Ang ‘Tahanang Pinakamasaya’ ang pinalit ng GMA-7 sa ‘Eat Bulaga’ matapos katigan ng korte na ang pamagat ay pagmamay-ari nin Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Wala pa namang inaanunsyo ang GMA-7 tungkol sa bago nilang noontime show.