Gluta pa more? Maputing kutis hindi batayan ng kagandahan – Sen. Nancy Binay

Walang kinalaman ang kulay ng balat sa kagandahan ng isang tao.

Walang kinalaman ang kulay ng balat sa kagandahan ng isang tao.

Ito ang iginiit ni Senador Nancy Binay matapos mag-viral si Mariel Rodriguez-Padilla sa paggluta drip sa loob mismo ng Senado.

Ayon sa asawa ni Mariel na si Senador Robinhood Padilla, nagp-promote lamang ng “good health” at “good looks” ang kanyang may bahay.

Sinagot naman ito ni Binay at hindi kutis ang batayan ng kagandahan at dapat maging komportable ang bawat isa sa sarili nilang balat.

“Yung pagwa-whitening, hindi rin yan batayan ng good looks ‘di ba,” ani Binay sa isang interbyu sa Teleradyo.

“We should always be comfortable doon sa skin na binigay sa atin, ‘di ba,” giit pa niya.

Matatandaang ilang beses naging laman ng jokes at memes si Binay sa social media dahil sa kanyang kutis.

Inulan ng kristismo si Mariel mula sa netizens dahil binastos umano nito ang Senado.

Ngunit iginiit ng aktres na wala siyang ginawang masama.