Gloria Diaz: Mga beki, tomboy dapat may hiwalay na ‘Miss Universe’

Hindi nagbago ang posisyon ni Gloria Diaz na ang Miss Universe ay para lang sa mga ipinanganak na babae.

Hindi nagbago ang posisyon ni Gloria Diaz na ang Miss Universe ay para lang sa mga ipinanganak na babae.

Sa panayam ng ‘Fast Talk w/ Boy Abunda’, sinabi ng Miss Universe 1969 titleholder na dapat bumuo ng sariling pageant para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

“In ordinary words, basically, kailangan transvestite, kailangan may Miss Transvestite Universe. Tomboy: Miss Tomboy Universe. Bakla, transgender, whatever, lahat ng politically correct, kanya-kanya,” wika ni Diaz.

“Sa Miss Universe, dapat Miss Universe. Pero iba na talaga ngayon,” aniya pa.

Taong 2012 nang putulin ng Miss Universe ang kanilang pag-ban sa mga transgender.

Ito’y nang payagan nilang makasali si Jenna Talackova mula Canada kahit noong una ay balak sana siyang i-disqualify dahil sa pagiging transgender.

Sa Miss Universe 2023 naman ay dalawang transgender women ang pinayagang makasali sa naturang beauty pageant.