Gloc-9 inalay ‘Sirena’ sa anak na beki

Binunyag ni Gloc-9 kung kanino ba talaga niya inaalay ang iconic song niya na 'Sirena'.

Binunyag ni Gloc-9 kung kanino ba talaga niya inaalay ang iconic song niya na ‘Sirena’.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Gloc-9, inilahad ni Gloc-9 na ang anak pala niya ay parte ng LGBTQIA community.

Aniya, noong sinulat niya ang ‘Sirena’ ay hindi pa naga-out ang kanyang anak na si Daniel.

“My son is gay. Nung sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal,” wika ng Pinoy rapper.

Ngayon ay sobrang proud ni Gloc-9 sa kanyang anak, na inaabangan niya kung ano pang maa-achieve nito sa kanyang buhay.

“Ako’y proud na may anak ako na tulad ni Daniel. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila,” lahad ni Gloc-9.

Sa dating panayam kay Gloc-9, inamin niya na natakot siyang i-release ang ‘Sirena’ dahil baka kuwestiyunin ang nilalaman ng kanta lalo’t hindi naman siya parte ng LGBTQIA community.

Ngunit ngayon, isa na ang ‘Sirena’ sa anthem ng gay community.