Giyera pag may namatay sa Pinoy sa WPS! – PBBM

Mauuwi sa giyera ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea kung may maitatalang pagpatay sa mga Pilipinong mangingisda roon.

Mauuwi sa giyera ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea kung may maitatalang pagpatay sa mga Pilipinong mangingisda roon.

Ito ang naging sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong sa kanya kung anong aksyon mula sa Pilipinas ang magpapagalaw sa matagal ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng bansa at ng Estados Unidos, sa question and answer portion ng 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.

“What would happen if there was an incident that ended up killing a Filipino serviceman, be it a Coast Guard or in the military and part of the Navy. Well, that would be – that would certainly increase the level of response and if by a willful act on a Filipino, not only serviceman but even a Filipino citizen. If a Filipino citizen is killed by a willful act, that is I think a very, very close to what we define as an act of war and, therefore, we will respond accordingly,” sabi ni Marcos.

Saad ni Marcos, hindi lang ang Pilipinas ang handang ipaglaban ang kanilang soberanya at nasyonal na karapatan sa katubigan ng WPS kundi pati na rin ang mga bansang itinuturing na “treaty partners” ng bansa.

“We already have suffered injury, but thank God, we have not yet gotten to the point where any of our participants, civilian or otherwise, have been killed,” aniya.

“But once we get to that point, that is certainly we would have crossed the Rubicon and certainly crossed the Rubicon. Is that a red line? Almost certainly it’s going to be a red line,” dagdag niya.