Giyera ‘di sagot sa WPS issue – mga solon

Naniniwala ang ilang mga mambabatas na diplomasya pa rin ang pinakamabisang paraan sa paglutas ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Naniniwala ang ilang mga mambabatas na diplomasya pa rin ang pinakamabisang paraan sa paglutas ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre, ito ay pinatunayan ng resulta ng survey ng OCTA research, kung saan lumabas na 72% ng mga Pinoy ang nais maresolba ang isyu sa pamamagitan ng diplomasya.

“That’s a good indicator of how much trust the President and the administration has in pursuing a diplomatic solution … we’re still pursuing the diplomatic channels … Kung nakikita niyo, palaging naghahain tayong diplomatic protest, pero at the same time we also making sure that we are capable of defending our boundaries,” wika ni Acidre.

Saad pa ni Acidre, ang resulta ng survey ay tanda ng kagustuhan ng mga Pinoy na maipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

Sinang-ayunan naman si Acidre ng mga kapwa niya solon.

“Hindi natin gusto ng giyera. Pero it is our right to defend the sovereignty of our country. Kaya ‘yung mga sinasabi ng iba na maliit tayo, hindi natin kaya ang China, meron tayong mga kakampi, like-minded countries who are willing to support our country,” pahayag ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr.

Si Isabela Rep. Faustino Dy naman, binigyang-diin na kailangan pa nilang lumika ng mga batas na susuporta sa sandatahan ng bansa.

“Kinakailangan po nila ng mas marami pang suporta para mas magawa nila nang mas maayos ang kanilang mga katungkulan,” aniya.