Give chance to others naman daw: Presyo ng gasolina tataas; diesel at kerosene, bababa

Patuloy ang pagkilos ng presyo ng petrolyo matapos inanunsyo ang pagtaas sa gasolina at pagbaba sa diesel at kerosene.

Bahagyang tataas ang presyo ng gasoline simula Oktubre 17, samantalang bababa naman bahagya ang presyo ng diesel at kerosene.

Simula Martes, Oktubre 17, asahan nang tataas ng P0.040 hanggang P0.70 kada litro ang presyo ng gasolina matapos maging pirmis ang presyo nito sa nakalipas na apat na linggo.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy na maaaring magtaas ng presyo ang gasolina, subalit bahagya lamang.

Samantala, simula rin sa Martes, Oktubre 17, ay bababa naman ng P0.90 to P1.20 kada litro ang presyo ng diesel samantalang P0.80 hanggang P1 kada litro naman ng kerosene.