Girlfriend reveal? Paulo Avelino wallpaper si Kim Chiu

Tila may pahiwatig si Paulo Avelino sa pag-flex sa sexy na picture ni Kim Chiu sa isang promotional advertisement ng Viu Philippines para sa show ng KimPau na "What's Wrong with Secretary Kim?"

Tila may pahiwatig si Paulo Avelino sa pag-flex sa sexy na picture ni Kim Chiu sa isang promotional advertisement ng Viu Philippines para sa show ng KimPau na “What’s Wrong with Secretary Kim?”

Caption ng Viu PH sa kanilang post: “The girlfriend energy is too strong!”

Ang tanong tuloy ng netizens, totoo na ba ang relasyong KimPau off-cam?

Makikita rin kasi sa video na lumambitin pa si Kim sa braso ni Paulo matapos ipakita na tila wallpaper ni Paulo sa kanyang phone ang picture ni Kim.

“That’s it, finish na. No explanation needed!” komento ng isang netizen.

“Viu, kaninong cp yang hawak ni Paulo? Sagutin n’yo kami, ‘di kami titigil talaga… ISO-SOCO namin yan!” tukoy ng isang socmed user sa mobile phone na hawak ni Paulo.

“Picture ni Kimmy no’ng Star Magic Ball 2023. Hindi yan Sec. Kim, si KIM CHIU po yan!!” dagdag pa ng isang fans.

PANOORIN: