Girlfriend reveal? Bimby dinala ‘first jowa’ sa Disneyland

Kumasa si Bimby Aquino sa "boyfriend for a day" challenge nang dalhin ang first girlfriend sa California Disneyland.

Kumasa si Bimby Aquino sa “boyfriend for a day” challenge nang dalhin ang first girlfriend sa California Disneyland.

For the first time, nilantad ng anak ni Queen of All Media Kris Aquino ang jowa nito na si Erin Diaz, vlogger at anak naman ni actor-showbiz reporter Ogie Diaz.

Matatandaang lumipad sa Estados Unidos sila Ogie Diaz upang magbakasyon kung saan nga nakapanayam nito si Kris Aquino na kasalukuyang nasa Amerika para magpagamot ng sakit nito.

“Ang ganda-ganda ng first girlfriend ko. Comes from a good family pa,” sabi naman ni Bimby kay Erin habang naglilibot sa nasabing theme park.

Huli rin sa vlog post ni Erin sa Youtube ang kulitan at asaran ng dalawa habang naririnig ang tawagang “honey” ng mga ito.

Sinubukan din ng dalawa ang mga amusement rides sa Disneyland. Sa dulo, niregaluhan ni Bimby si Erin ng isang enamel pin ng Disney princess na si Ariel.

“Everything is the best kapag may kasama kang maganda, matalino at masipag,” habol pa ni Bimby kay Erin.

PANOORIN: