Ginang nag-ulat ng sunog, pero selfie ang binalandra

Imbis na mag-alala, ikinatuwa ng mga netizen ang post ng isang ginang tungkol sa isang sunog.

Imbis na mag-alala, ikinatuwa ng mga netizen ang post ng isang ginang tungkol sa isang sunog.

Ito’y dahil imbis na sunog ang larawang nasa post, selfie ng babae ang kanyang ibinida.

“Meron sunog sa may malapit sa Munisipyo ng San Pedro,” saad sa caption ni Gloria Hemedez sa kanyang selfie.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang kanyang post. Sa comment section ay nagbahagi rin ang mga netizen ng kanilang mga selfie habang kinakamusta ang sunog.

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Hemedez na wala namang nadisgrasya dahil sa sunog.

“It’s good walang kabahayan sa sunog malapit sa Munisipyo ng San Pedro,” dagdag pa niya.

Humakot na ng mahigit 40,000 shares ang selfie ni Hemedez.