Ginagawang negosyo! France Castro sinupalpal pagtakbo ng mga Duterte sa 2025

May patutsada si House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa pagtakbo ng tatlong lalaking Duterte sa eleksyon sa 2025.

May patutsada si House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa pagtakbo ng tatlong lalaking Duterte sa eleksyon sa 2025.

Aniya, ginagawang negosyo ng pamilya ang politika at ginagamit ang posisyon sa pamahalaan upang proteksyunan ang sariling pangalan sa mga kasalanan nito sa mamamayang Pilipino.

“This is the height of bureaucrat capitalism, where a single family wants to control every aspect of a nation’s politics. Ginagawang negosyo ang pagtakbo sa posisyon sa gobyerno di lang para mangurakot pero para pagtakpan din ang mga kasalanan nila sa mamamayan. Ginawa na ito ng pamilya Marcos ngayon ang mga Duterte naman ang gustong pumalit,” saad ni Castro sa isang statement.

Kamakailan ay ibinalita ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka-senador sa 2025 elections sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Paolo Duterte, at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Dagdag ni Castro, inilantad lang ni VP Sara ang lumalalang tirada sa pagitan ng dalawang paksyon — pamilya Duterte at pamilya Marcos ng naghaharing uri.

“Sa sinabing ito ni VP Duterte makikita na magiging all out na ang bakbakan sa pagitan ng dalawang paksyon ng naghaharing uri. Ang mga Duterte na backer and Tsina at ang mga Marcos naman na ang US ang backer,” sabi niya.

Nanawagan si Castro sa mga Pilipino na maging matalino sa pagpili ng mga taong ilalagay sa pwesto ng kapangyarihan.