Ginagamit lang si Kathryn? David Licauco pumalag sa mga basher

Kinontra ni David Licauco ang mga banat ng ilang basher na ginagamit lang umano nito si Kathryn Bernardo para mapag-usapan.

Kinontra ni David Licauco ang mga banat ng ilang basher na ginagamit lang umano nito si Kathryn Bernardo para mapag-usapan.

Ito’y matapos banggitin ni David na pangarap niya raw makatrabaho ang Kapamilya actress.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay David, sinabi nito na hindi niya sinasakyan ang kasikatan ni Kathryn.

“Hindi naman sa sasakay ako or something. I think I’m just being true to myself na siguro like I was looking up to her before,”saad ni David.

“Noong bata ako, siya yung pinapanood ko. So actually ‘dun sa interview na I had, eh talagang sinabi ko lang kung ano ‘yung dream ko,” aniya pa.

Dagdag pa ni David, noong buo pa ang KathNiel ay nanonood pa sila ng kanyang dating girlfriend ng mga movies ng naturang loveteam sa sinehan.

Hindi rin naman daw ibig sabihin na makakatrabaho niya si Kathryn dahil lang sinabi niyang dream niya itong makaeksena.

“Doesn’t mean that it will happen, doesn’t mean naman that it might happen. I’m just saying kung ano ‘yung dream ko talaga,” paliwanag pa ni David.