Gilas Pilipinas, sibak sa Jordan; dadaan sa butas ng karayom para maka-ginto

Pinadapa ng Jordan ang Gilas Pilipinas sa kanilang group stage match nitong Sabado, Setyembre 30, sa iskor na 87-62.

Tiklop ang Gilas Pilipinas sa laban nito kontra Jordan, 87-62, nitong Sabado, Setyembre 30, sa pagtatapos ng preliminary round ng men’s 5×5 basketball sa Asian Games.

Pinangunahan ni naturalized player Rondae Hollis-Jefferson ang balanseng atake ng Jordan nang magpakawala ito ng 24 points, 6 rebounds, at 9 assists.

Agad lumamang ang Jordan sa unang yugto pa lamang, at lumamang pa nang hanggang 14 puntos sa pagtatapos ng first half. Nakahabol naman ang Gilas sa third quarter, kung saan ilang beses itong naitabla na koponan ni Tim Cone.

Bagaman nakalapit ang Gilas, tinapos pa rin ng Jordan ang third quarter na may 59-52 kalamangan. Agad itong lumubo sa 65-52 sa pagsisimula ng huling yugto matapos ang dalawang magkasunod na tres ng Jordan. Hindi na muling nakabawi ang Gilas, na lumagapak sa 2-1 na kartada.

Susunod na haharapin ng Gilas ang Qatar. Ang mananalo ay aabante sa quarterfinals.