Gilas Pilipinas nilamog Chinese Taipei

Dinomina ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei, 106-53, para manatiling walang talo sa 2025 FIBA Asian Cup qualifiers nitong Linggo bg gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

Dinomina ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei, 106-53, para manatiling walang talo sa 2025 FIBA Asian Cup qualifiers nitong Linggo bg gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

Hindi nakapalag ang Chinese Taipei sa solidong opensa at depensa ng mga bata ni Gilas mentor Tim Cone.

Mapapansin ang ganda ng galaw ng bola ng Gilas, na naglista ng 30 assists sa kabuuan ng laro kumpara sa 11 ng Chinese Taipei.

Nanguna rin ang PH Nationals sa rebounding department, na kumolekta ng 57 boards.

Si Justin Brownlee pa rin ang nagpasiklab sa Gilas, na kumamada ng 26 points, 13 rebounds at limang assists.

Habang si Kai Sotto naman ay impresibo rin ang performance sa kanyang 18 points at 10 boards.

Hindi naman nakapaglaro si Jamie Malonzo na tinamaan ng acute gastroenteritis.

Tinapos ng Gilas ang first window na may dalawang panalo, matatandaan na tinambakan din ng ‘Pinas ang Hong Kong, 94-64.

Sunod na salang ng Gilas ay sa November 21 pa kontra New Zealand.