Gilas ikaka-proud ng mga Noypi – Tim Cone

Bagamat hindi laging panalo sa larangan ng basketbol, tiniyak ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maipagmamalaki ng mga Pinoy fans ang pambansang koponan.

Bagamat hindi laging panalo sa larangan ng basketbol, tiniyak ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maipagmamalaki ng mga Pinoy fans ang pambansang koponan.

Sa kanyang pagdalo sa Inquirer Sports Awards Night, naging totoo si Cone sa maaaring kahinatnan ng Gilas sa mga susunod na torneo.

“I think there’s a certain reality to everything. You’re not going to win every basketball game. No team wins every game. Even the great Chicago Bulls in the 90’s won 70 games and lost 12. That Golden State Warriors, that great dynastic team, lost their shares of game,” pahayag ng beteranong coach.

“You’re not going to win all the time. There’s going to be ups and downs but I think if we can compete and show we’re getting better, I think the fans will take the ride with us,” pagtitiyak ni Cone.

Sariwa pa sa alaala ng Gilas fans ang dalawang tambakang panalo ng koponan sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers. Susunod na sasalihan ng koponan ang Olympic Qualifying Tournament kung saan mas mabibigat na bansa ang makakalaban.

Pormal na umupo si Cone bilang Gilas head coach noong Enero, kung saan pinalitan niya si Chot Reyes.