Gigil na gigil! Nanay ni Francine nagsalita na ukol sa pagsingit ng anak sa event

Hindi na nakapagpigil at nagsalita na ang nanay ni Francine Diaz ukol sa isyu kamakailan na pagsingit ng anak kahit nasa stage na ang bandang Orange and Lemons para magperform sa San Jose, Occidental Mindoro.

Hindi na nakapagpigil at nagsalita na ang nanay ni Francine Diaz ukol sa isyu kamakailan na pagsingit ng anak kahit nasa stage na ang bandang Orange and Lemons para magperform sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sa Facebook post, sinabi ni Mrs. Diaz na sila umano ang unang nabastos ng kasamahan ng naturang banda kahit na nakipag-usap naman sila nang maayos.

“Sana po pakitanong niyo po sa babaeng kasama niyo po na pula ang buhok na kinausap namin sya ng maayos at binastos niya kami. Bago nyo po sabihin ang salitang RESPETO! At sino po ang naging walang ka resperespeto po sa ginawa niyo? ‘Yung kasama niyo po na mapula ang buhok ang nakakagulo sa banda niyo,” pahayag ni Mrs. Diaz sa Facebook.

Pinagsabihan din nito ang organizer ng event. Aniya, Abril 30 ang usapang pagpe-perform ng anak at hindi alas-2 ng madaling araw ng May 1 kaya naman hindi siya pumayag na mahuli ang aktres.

“At sana sa nag organize ng event April 30 ang event, hindi May 1. Gusto niyo mag- perform anak ko ng 2 am, tama pa po ba yan? Hindi pwede basta na lang ako manahimik. At sa mga walang alam sa mga nangyayari kung wala kayo magandang masasabi ‘wag na rin po kayo makigulo,” saad nito.

Mensahe naman ni Mrs. Diaz para sa Orange and Lemons: “At sa O&L pakikausap niyo po sana ‘yung kasama niyo na pula ang buhok na maging maayos makitungo sa kapwa. Maraming salamat.”

TINGNAN: