Giant Christmas trees ng isang hotel sa Legazpi City, pinailawan na

Kasabay ng makukulay na dekorasyon ay ang musika kung saan mas nakadagdag upang mas maramdaman ng mga bisita ang paparating na kapaskuhan.

LEGAZPI CITY – Tampok ang makulay na dekorasyon sa dalawang malaking christmas trees na pinailawan sa Hotel St. Ellis nitong Biyernes, Desyembre 1.

Kasabay ng makukulay na dekorasyon ay ang musika kung saan mas nakadagdag upang mas maramdaman ng mga bisita ang paparating na kapaskuhan.

Magmula nung binuksan ang Hotel nung 2019, kasabay rin nito ay ang taon-taong pailaw na kanilang isinasagawa.

Ayon sa mga nag organisa, ito ang kanilang paraan upang pasalamatan ang kanilang mga guest sa patuloy na pagtitiwala sa kanila. Hinahangad din nila na kagaya ng kanilang christmas decorations ay maging maningning at makulay din ang kanilang buhay sa 2014.

Maliban man sa christmas display, may mga promos din ang Hotel St. Ellis ngayon na yuletide season kagaya ng Christmas ang New Year’s Eve dinner promos.