GF ng vlogger na ‘nambastos’ kay BINI Mikha, nagsalita na!

Nagsalita na ang girlfriend ng vlogger na si Ser Geybin matapos itong sitahin ng mga BINI fans dahil sa umano'y pambabastos nito kay Mikha Lim.

Nagsalita na ang girlfriend ng vlogger na si Ser Geybin matapos itong sitahin ng mga BINI fans dahil sa umano’y pambabastos nito kay Mikha Lim.

Ayon kay Elma Asagra, partner ni Ser Geybin, wala siyang nakitang mali sa video kung saan hinalikan ng vlogger ang mukha ni Mikha na naka-projector.

Aniya, ang naturang video ay para lang ipakita ni Ser Geybin ang pag-admire niya sa kanyang crush.

“Gavin is just being fan lang po ng Bini lalo na si Mikha. He just expressed his admiration and for me there’s nothing wrong po with it, the way paano nya po ako supportahan sa mga idol/crush ko po ganun din po ako sakanya,” wika ni Elma.

Aniya pa, nag-message na si Sir Geybin kay Mikha at parang okay naman ang dalawang panig.

Bilang patunay ay pinakita ni Elma ang screenshot kung saan naka-follow ang mga BINI members sa kanilang social media account.

“We’re good at Bini po. Actually we followed each other pa po bago po may ganyang issue na lumabas and okay naman po kami lahat ‘til now,” aniya pa.