‘Getting back on track’: IT-BPO, balik-sigla dahil sa recovery initiative ni PBBM—NEDA

Ang sektor ng information technology-business process outsourcing (IT-BPO) ay isa sa pangunahing nakapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino, subalit bahagya itong humina dahil sa pandemya.

Nanunumbalik na ang dating sigla ng sektor ng information technology-business process outsourcing (IT-BPO), na pansamantalang humina dahil sa pandemya.

Iyan ay ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, na siya ring nagsabi na dahil ito sa recovery initiative na ipinatupad ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“And what we saw as well is that many of the jobs generated were in the tourism-related sector… So, iyong mga accommodation, mga restaurants, and some transport as well, at saka iyong sa IT-BPO rin po,” saad ni Edillon sa isang news forum sa Quezon City.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, dumarami nang muli ang mga trabaho sa IT-BPO sector, na siya namang nakatulong sa pagbaba ng unemployment rate sa bansa noong Oktubre.

“So iyon ‘yung mga… actually ito rin talaga iyong mga sectors na binabantayan natin kasi hindi pa sila nakaka-recover to their 2019 levels. So, it’s good to know that they are, you know, they’re really getting back on track,” ani Edillon.

Kanya naman tiwala ang NEDA na mas rarami pa ang mga trabahong maibibigay ng nasabing sector sa patuloy nitong pagsigla muli.