Germany nababahala sa pambu-bully ng China

Mahigpit na binabantayan ng Germany ang galaw ng China sa South China Sea.

Mahigpit na binabantayan ng Germany ang galaw ng China sa South China Sea.

Pahayag ito ng Germany matapos ang pag-atake ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas kung saan naputulan ng daliri ang isang tauhan ng Philippine Navy at tinangay ang armas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“The German Government is watching China’s conduct in the South China Sea with deep concern. The reports, images and videos now available on the latest incident early this week are disturbing,” pahayag ng Federal Foreign Office of German.

“Philippine boats were blocked, rammed and boarded by force by Chinese vessels during a routine supply mission. Several Philippine crew members were injured. We wish all of them a speedy recovery,” saad ng statement.

Batid ng Germany na nangyari ang insidente sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal na malinaw na bahagi ng Philippine exclusive economic zone base na rin sa Arbitral ruling noong 2016 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Dangerous and irresponsible maneuvers and actions such as the incident on Monday run contrary to UNCLOS and increase the risk of further escalation,” saad ng statement.

“Together with its international partners, Germany will continue to advocate the comprehensive implementation of UNCLOS, freedom of navigation, the peaceful settlement of disputes and the preservation of peace and stability,” dagdag nito.

Una nang tinawag ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na “band of barbarians” ang ginawang pag-atake ng China.

Wala aniyang karapatan ang Chinese Coast Guard na mag suot ng kanilang uniform dahil ang dapat na pangunahing tungkulin nito ay itaguyod ang kaligtasan ng buhay na nasa dagat.

“Their actions endanger life at sea. It does not speak well of a country that want(s) to be a global power,” pahayag ni Trinidad.