Gerald ‘di kabado sa balik-tambalan ng ‘JoshLia’

Suportado ni Gerald Anderson ang pagbuhay sa tambalan ng kasintahan niyang si Julia Barretto at Joshua Garcia.

Suportado ni Gerald Anderson ang pagbuhay sa tambalan ng kasintahan niyang si Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sina Julia at Joshua – na dating magkasintahan – ay magtatambal sa pelikulang ‘Un/happy for You’. Ito ang una nilang pagtatambal sa loob ng apat na taon.

Boto naman si Gerald sa bagong proyekto ni Julia.

“It’s exciting—it’s exciting para sa mga fans,” wika ni Gerald sa video clip ng Cinema One.

“I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama but I’ve been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fans nila,” aniya pa.

“They’re both great actors so alam natin na magiging quality ‘yung ipapalabas nilang proyekto,” dagdag pa ni Gerald.

Taong 2019 nang maghiwalay sina Joshua at Julia. Dalawang taon ang nakalipas naman nang umamin sina Gerald at Julia sa kanilang relasyon.