‘Gentleman’s agreement’ naganap sa Aquino asmin — ex ES Medialdea

Isiniwalat ni ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na noong panahon ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III naganap ang gentleman's agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.

Isiniwalat ni ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III naganap ang gentleman’s agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.

Nakasaad kasi sa kasunduan na pagkain at tubig lang ang pwedeng dalhin sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ani Madialdea, si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin ang pumasok sa kasunduang iyon noong 2013.

Kasama umani nito si dating Chinese Ambassador to the Philippines Ma Keqing.

“The information I gathered was that there was a previous commitment that food and water will be allowed to be shipped to the debilitated vessel since 2013,” ani Madialdea.

“That’s what I gathered when the decision came out 12 days after we assumed office. I was just asking around what’s the present status of the Ayungin Shoal because I know there was a vessel there,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa nito, iginalang lang umano ng administarasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang kasunduan.

“Remember, we just assumed office 12 days earlier. Hindi natin alam itong ano na ‘to. Tignan natin kung ano makakabuti sa paglabas ng desisyon. Remember, we haven’t received a copy of the decision at that time. It came out two weeks after, I think, when we were given a copy of the decision,” saad nito.