Gentleman lang! – Escudero dumipensa viral video kasama si FL, PBBM

Iginiit ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na ang kanyang kilos ay palatandaan ng pagiging maginoo matapos mag-viral ang video kung saan ininom ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang alak mula sa kanyang baso noong Vin d'Honneur sa Malacañang Palace nitong Miyerkules.

Iginiit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang kanyang kilos ay palatandaan ng pagiging maginoo matapos mag-viral ang video kung saan ininom ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang alak mula sa kanyang baso noong Vin d’Honneur sa Malacañang Palace nitong Miyerkules.

Makikita sa viral na video kung paano lumapit si First Lady kay Senador Escudero at biglang kinuha ang baso ng alak nito at ininom ito.

“I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly,” pahayag ni Escudero sa mga nagsilitawang kumento ng mga netizens.

Para kay Escudero, ang pagserbisyo sa isang babae, lalo na kung ito ay isang First Lady, ay isang tanda ng pagiging maginoo at paggalang.

“Maaaring sabihin ng iba na maka-luma o parang ‘under’ pero para sa’kin, hindi kailanman magiging maka-luma o di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” ani Escudero.

Sa kabila ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, ikinatuwa na lamang ito ni Escudero at nanatiling buo ang paniniwala na ang mga nangyare ay isang pagpapamalas lamang ng paggalang.