Gawang Pinoy, i-add to cart!- Palace

Inilunsad ng Palasyo ang panawagan sa mga Pilipino na tangkilikin at i-add to cart ang mga produkto at gawang-Pinoy bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-126 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa June 12.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), matutuwa ang mga mahilig mag-online shopping o shopaholic na mga Pilipino dahil ibibida sa tatlong araw na aktibidad ang iba’t ibang likhang Pilipino mula sa bawat sulok ng bansa.

Simula ngayong Lunes hanggang Miyerkules, bubuksan sa publiko ang mga aktibidad sa Quirino Grandstand at Burnham Green kung saan mayroong paligsahan sa pagluluto ng pagkaing Pinoy at mga tiangge na puro lokal na produkto.

Ibibida ang mga likha ng Persons Deprived of Liberty, Micro/Small/Medium Enterprises, tattoo artists, at iba pang produkto mula sa iba’t ibang lungsod at probinsya.

Ayon sa PCO, isa itong magandang pagkakataon para ipakita ang pagiging malikhain ng mga Pinoy kasabay ng paggunita ng araw ng Kasarinlan.