Gawang Pinoy ang susuportahan, siyempre! Modernong jeepney na gawang-Pinoy, prayoridad ng pamahalaan—Romualdez

Tiniyak naman ng Francisco Motors, isa sa mga local manufacturers ng modernong jeepney, na pasado sa mga itinakdang standards ng pamahalaan ang mga modernong jeep na gawang-Pinoy. Bukod pa riyan, papanatilihin rin nito ang nakagisnang porma at estilo ng mga tradisyonal na jeep, na aniya’y parte ng kulturang Pilipino.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa mga local manufacturer ng modern jeepneys na prayoridad sila ng pamahalaan sa ipinapatupad nitong Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“Ang priority po natin ay Philippine-made [jeepneys] as this will bring out Philippine jobs and all other benefits,” pagtitiyak ni Romualdez sa isang dayalogo kasama ang mga local manufacturers at liderato ng Kamara nitong Biyernes, Enero 26, sa Makati.

Sinabi rin niyang susuportahan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos dahil maraming benepisyo ang pagpili sa gawang-Pinoy, gaya ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

“Asahan nyo po na si Presidente Ferdinand Marcos Jr., kagaya ng kanyang ama, ay suportado ang anumang Philippine-made initiatives,” sabi pa Romualdez. “Itong gobyerno, this Congress will be very much behind you and supportive of your industry.”

Kaugnay niyan, tiniyak ni Elmer Francisco ng Francisco Motors na pasado sa mga itinakdang standards ng pamahalaan ang mga modernong jeep na gawang-Pinoy. Bukod pa riyan, papanatilihin rin nito ang nakagisnang porma at estilo ng mga tradisyonal na jeep, na aniya’y parte ng kulturang Pilipino.