‘Gawa gawang kwento lang!’ Rep. Bongalon umalma sa banat ni Sen. Imee sa AKAP

Gawa gawang kwento lang ang sinabi ni Senator Imee Marcos na gagamitin ang Ayuda sa mga Kapos ang Kita Program o AKAP sa pangangalap ng pirma sa isinusulong na People’s Initiative (PI).

Gawa gawang kwento lang ang sinabi ni Senator Imee Marcos na gagamitin ang Ayuda sa mga Kapos ang Kita Program o AKAP sa pangangalap ng pirma sa isinusulong na People’s Initiative (PI).

Ito ang giit ni Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon na isa sa mga nag-apruba sa pinal na bersyon ng 2024 budget kung saan nakapaloob ang pondo ng AKAP.

“Isang malaking kasinungalingan ‘yan na naman po at gawa gawang kwento,” ani Bongalon sa isang press conference nang hingan ng pahayag ukol sa alegasyon ng Senador.

“’Yung programang ito, ke bago-bago, sisirain po ng ating ilan sa mga senador, eh wag naman po sanang ganon,” dagdag pa niya.

Ayon sa kongresista, maganda ang intensyon ng programa na tumulong sa mga Pilipino lalung lalo na sa minimum wage earners.

“AKAP has full of good intentions at panawagan ko na lang po na sana huwag pong bigyan ng pangit na kulay. Bagong programa po ito ng DSWD at para po ito sa mga mahihirap natin na mga sambayanang Pilipino, yun lamang po,” ani Bongalon.

Layon ng programa na magbigay ng one-time P5,000 cash assistance sa mga benepisyaryo na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.