Gatchalian: SHS teachers, dapat TESDA trained!

Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng training at certification sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga senior highschool teachers sa ilalim ng technical-vocational livelihood (TVL) track.

Ayon kay Gatchalian, para na ring magsasanay sa TESDA ang mga estudyanteng matuturuan ng mga TESDA-trained na SHS TVL teachers.

“Along with our efforts to improve the quality of training for senior high school learners, including their readiness for work, we are also pushing for the appropriate training and certification for our teachers,” sabi ni Gatchalian.

“That’s why we suggested allocating funds so we could give our senior high school TVL teachers the necessary training from Tesda,” dagdag niya.

Aniya, dahil dito ay mabibigyan ng mas tataas na tsansa ang mga SHS graduates na makakuha ng mga mas magadang trabaho.