Gatchalian sa mga barangay officials: ‘Wag kupitan ayuda!

Kamakailan ay kumalat ang balitang kinupitan ng mga barangay official sa Davaol del Sur ang P10,000 na para sana sa isang benepisyaryo doon.

Kamakailan ay kumalat ang balitang kinupitan ng mga barangay official sa Davaol del Sur ang P10,000 na para sana sa isang benepisyaryo doon.

Imbes na makarating ang sampung libo sa palad ng residente, P1,500 na lang ang natira at ang P8,500? Kinuha ng mga taga-barangay!

Kaya naman nagbabala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga taong nakaupo sa pwesto na mananamantala sa perang ayuda para sa kanilang mga kababayan.

“Sisiguraduhin natin na magiging warning ito, matinding warning sa mga magtatangka na samantalahin ‘yung mahihirap nating benepisaryo. Walang may karapatan na magkaltas,” sabi ni Gatchalian

Dagdag niya, sasampahan ng kaso ng DSWD ang mga nasabing magnanakaw at iginiit na isolated case ang nangyaring ito sa Davao del Sur dahil hindi naman ginawa sa payout center ng ahensya ang pagnanakaw.

“At gusto ko ring linawain na during payout, buo ang natatanggap nila. Kapag nagbigay ang DSWD ‘yan, kasi we verify it… Hindi nangyari ‘yung kaltasan sa loob ng payout center ng DSWD,” aniya.