Gatchalian nanindigang lehitimo nakitang Chinese military uniform sa Porac POGO

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na totoong mga uniporme ng Chinese military ang natagpuan sa isang raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na totoong mga uniporme ng Chinese military ang natagpuan sa isang raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Gatchalian, bagaman kinukumpirma pa sa isang imbestigasyon ang katotohanan na ito, kumbinsido siyang authentic ang mga unipormer na ito.

“Ongoing pa verification whether itong uniform ay ginamit ng military personnel, pero para sa akin authentic siya,” ani Garchalian.

Dagdag pa ng Senador, maaaring dinala ng militar ng China ang mga uniporme dahil pumupunta ang mga ito sa naturang pub.

Aniya, sila ang maaaring gumagawa ng pangmamaltrato sa mga biktima.

“Dala dala ito ng mga operators. Dito makikita natin na itong mga POGO hub meron ding scalawag sa China military, police pumupunta dito,” wika nito.

“Sila ang sanay sa torture, sila ang sanay sa illegal [detention], sila ang gumagawa ng di magaganda. Malakas ang loob nila, di rin natin maalis kung may links pa sila sa China military,” dagdag pa ng Senador.