Gatchalian dinepensa Kamara, Senado sa pag-imbestiga kay Quiboloy

Klinaro ni Senador Sherwin Gatchalian na parte ng kanilang trabaho ang pagdinig na mga ginagawa na nakasentro kay Pastor Apollo Quiboloy.

Klinaro ni Senador Sherwin Gatchalian na parte ng kanilang trabaho ang pagdinig na mga ginagawa na nakasentro kay Pastor Apollo Quiboloy.

Saad ni Gatchalian, may kanya-kanyang gawain ang Kamara, Senado at Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga reklamong isinampa laban sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder.

“Trabaho ng House ‘yung pag-hear ng kanyang franchise. Trabaho ng Senate ‘yung pag-hear nung mga human trafficking issues. Trabaho naman ng DOJ ‘yung pagresponde sa mga kasong ifinile (laban kay Quiboloy),” saad ni Gatchalian.

“Para sa akin ginagawa lang naman ang trabaho nitong mga institutions,” aniya pa.

Matatandaan na dating nag-rally ang mga tagasuporta ni Quiboloy para ireklamo ang imbestigasyon sa kontrobersyal na pastor, pati na rin sa umano’y pagmamay-ari nitong media company na SMNI.

Sa ngayon ay may inilabas ng warrant of arrest sa Davao para dakpin si Quiboloy dahil sa kasong child abuse.

Nang pasukin ang compound ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay hindi nakita si Quiboloy, ngunit tatlong may kinalaman din sa kaso ang naaresto ng mga awtoridad.