Gastos sa bagong Senate building aabot ng P27-B!

Aabot sa tinatayang P27 bilyon ang pondo na magagastos upang tapusin ang bagong gusali ng Senado sa Taguig dahil sa inflation.

Aabot sa tinatayang P27 bilyon ang pondo na magagastos upang tapusin ang bagong gusali ng Senado sa Taguig dahil sa inflation.

Ito ang binuking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senate Committee on Accounts inquiry kahapon, Hulyo 10.

Ayon kay DPWH Buildings and Special Projects Management Cluster project director Soledad Florencio, ang kabuuang tinatayang gastos ng proyekto ay batay sa mga presyo noong 2021 at hindi sa kasalukuyang presyo ng mga materyales.

“Iyong sinubmit namin na ‘yon, aaminin namin na ‘yon po ay hindi updated. So, sa term niyo pwede nating i-update ‘yon,” sabi ni Florencio kay Senator Alan Peter Cayetano.

Bagama’t hindi nagbigay ng bagong presyo si Florencio, kinumpirma naman ni former DPWH Undersecretary Antonio Molano Jr. hindi bababa sa 20 to 25 percent ang pwedeng madagdag sa pondo base sa kasalukuyang inflation rate.

“To my estimate, from the time the project was bid out, more or less 20 to 25 percent,” ani Molano.

“Aabutin ng 25 (billion) to 27 (billion), including the cost of land, plus iyong inflationary cost kasama na po (It could reach PHP25 [billion] to PHP27 [billion], including the cost of land plus the inflationary cost),” dagdag niya.