Gasolina sisirit presyo pagtapos ng Holy Week

Bahagyang tataas ang presyo ng gasolina pagkatapos ng Semana Santa.

Bahagyang tataas ang presyo ng gasolina pagkatapos ng Semana Santa.

Ayon sa forecast, magkakaroon ng pagsirit na P0.30 hanggang P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Samantala, inaasahan naman na bumaba ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.55 hanggang P0.75.

Matatandaan na nitong Holy Week ay nagkaroon ng big-time price hike sa petrolyo.

Mula P1.30 hanggang P2.20 ang tinaas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ngayong linggo.