Gary V. bilib sa BINI: Nakakaproud!

Bilib si Mr. Pure Energy Gary Valencia sa performance ng Nation's Girl Group na BINI.

Pang world class!

Bilib si Mr. Pure Energy Gary Valencia sa performance ng Nation’s Girl Group na BINI.

Ginawa ni Gary ang pahayag matapos mapanood ang Day 2 ng “BINIverse” concert nu’ng Sabado ng gabi sa New Frontier Theater.

“The way they were talking to the audience, the way they were talking to each other, the way they were cracking jokes, the way they were working together with the production,” pahayag ni Gary.

“May mga style sila na gustung-gusto kong makita, because it proved to me that ABS-CBN really did what they had to do in order to bring out the best in these girls,” pahayag ni Gary.

Partikular na hinangaan ni Gary ang BINI na kahit tatlong oras na ang concert ay mataas pa rin ang energy ng mga ito.

“Hindi madali ang ginagawa nila. It was almost a three-hour show and most of their songs were dances. But I think, there was never a dull moment.” “Not one moment na kung saan you’re just, ‘Ano na?’ They were always there onstage,” pahayag ni Gary.

“I am so happy that the Philippines has a P-pop group, an all-female P-pop group that we can be proud of. It’s something that we can truly be proud of,” pahayag ni Gary.

May nakatakdang mas malaking concert ang BINI sa Oktubre 4 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.