Garin sinopla si Castro: Cha-cha mabuti sa ekonomiya!

Isa umanong malaking kalokohan ang paniniwalang magdudulot ng mas mataas na inflation rate ang Charter change (Cha-cha), ayon kay Iloilo First District Rep. Janette Garin.

Isa umanong malaking kalokohan ang paniniwalang magdudulot ng mas mataas na inflation rate ang Charter change (Cha-cha), ayon kay Iloilo First District Rep. Janette Garin.

“Will economic Cha-cha cause an increase in inflation? Ang sagot ko po, pasensya na po sa mga nagsabi, pero isa po yang malaking kalokohan at kasinungalingan. Bakit? Tila binibigyan natin ng maling pag-intindi ang taong-bayan,” saad ni Garin ngayong Huwebes.

Ito ang tugon ni Garin sa pahayag ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon ay magpapalala ng inflation.

Resbak naman ni Garin, ang Cha-cha ay magreresulta sa mas patas na kompetisyon sa merkado, na magbababa naman ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

“Napakasimple lang noon eh. Kapag may kompetisyon, bababa ang presyo. It’s as simple as that. Huwag na nating linlangin ang taong-bayan. Siguro iyong iba, hindi naintindihan anong meaning ng inflation. Ang ibig sabihin noon kapag tumaas iyon tataas ang mga bilihin, ganon iyon, tataas ang presyo,” giit pa niya.

Nitong Pebrero ay pumalo sa 3.4 percent ang inflation rate mula sa 2.8 percent noong Enero.