Garin sinopla si Alvarez: Solusyon, hindi resignation!

Pinayuhan ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang kapwa niya mambabatas na si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez na maghain na lamang ng solusyon kaysa manawagang bumaba sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kamakailan lang ay sinabi ni Alvarez na marapat lamang na bumaba na sa pagka-pangulo si Marcos at ipaubaya kay Bise Presidente Sara Duterte ang umiinit na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Para naman kay Garin, dapat ay tumulong na lamang si Alvarez – na dating House Speaker – sa problema ng bansa.

“Maybe it would be a good contribution by the former Speaker to put forward solutions,” pahayag ni Garin sa isang press conference.

“Ano ba ang pwedeng solusyon dito sa dispute na ito? Ano ba ang dapat gawin instead of calling for a resignation? Because that [call for] resignation will not really solve the problem.”

Tiwala rin si Garin na ang mga hakbang ng administrasyon ay tungo sa ikalulutas ng gusot sa WPS.

“What is important is that we are seeing concrete steps. The leadership of our country will not yield even an inch of our territory,” dagdag pa niya.