Garin: Mag-ingat sa FLiRT!

Isinusulong ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mas pinaigting na pagbabakuna laban sa FLiRT subvariants ng Covid-19, na kanyang tinatawag na mahalagang hakbang upang labanan ang pagkalat ng mga bagong uri ng virus.

Isinusulong ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mas pinaigting na pagbabakuna laban sa FLiRT subvariants ng Covid-19, na kanyang tinatawag na mahalagang hakbang upang labanan ang pagkalat ng mga bagong uri ng virus.

Sa isang pahayag, ipinaabot ni Garin ang kahalagahan ng agresibong pagbabakuna lalo na sa mga healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised o mga may kahinaang resistensya.

“Whats more important at this point in time is aggressive flu and pneumonia vaccination for HCWs (healthcare workers), senior citizens and the immunocompromised/ vulnerable,” ani Garin, dating kalihim ng Department of Health.

Ayon pa kay Garin, ang patuloy na pagpapaalala sa madalas na paghuhugas ng kamay, tamang kalinisan, sapat na pahinga, at masustansyang pagkain ay mahalagang sandata ng bawat Pilipino upang labanan at pahinain ang FLiRT.

“Regarding FLiRT variant, its expected that a virus will keep on mutating,” sabi ni Garin, isang House deputy majority leader sa ika-19 na Kongreso.

“What’s important is the capability of our health workforce to manage cases and for the general public to be aware, hence allowing early consult, diagnosis and management,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Garin na bagamat mahalaga ang monitoring sa mga borders laban sa FLiRT, hindi ito masyadong praktikal dahil sa malabong mga sintomas at ang mga pagbabagong dulot ng panahon na nagdudulot ng pagtaas ng flu, pneumonia, at URTIs (Upper respiratory tract infection).

Sa kabila ng mga bagong banta ng virus, nananatiling matatag ang determinasyon ni Garin na itaguyod ang kaligtasan ng bawat Pilipino laban sa Covid-19.