Garin kay VP Sara: Pagkakaibigan kay Pastor Quiboloy, ihiwalay sa trabaho

Pinaalalahanan ni Iloilo Rep. Janette Garin si Bise Presidente Sara Duterte na ihiwalay nito ang kanyang pagkakaibigan kay Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang trabaho sa gobyerno.

Pinaalalahanan ni Iloilo Rep. Janette Garin si Bise Presidente Sara Duterte na ihiwalay nito ang kanyang pagkakaibigan kay Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang trabaho sa gobyerno.

Ito ang pahayag ni Garin kaugnay ng pagtatanggol ni Duterte kay Quiboloy.

“Being the vice president and being a member of the Cabinet vis-a-vis being a friend or a possible benefactor of Pastor (Quiboloy)—I believe those things should be separate,” saad ng mambabatas.

Si Quiboloy ay pinapatawag ng Kamara hinggil sa diumano’y paglabag ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa prangkisa nito. Hindi rin hinarap ni Quiboloy ang mababang kapulungan.

Kamakailan lang ay itinalaga ang ama ng bise presidente na si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang tagapangasiwa ng SMNI properties. Bukod pa rito, kilala rin si Quiboloy na taga-endorso ng mga Duterte tuwing panahon ng eleksyon.