Garin aprub kay Romualdez sa dagdag-benepisyo ng PhilHealth members

Naniniwala si Iloilo 1st District Representative Janette Garin na kayang palawakin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo ng kanilang mga miyembro.

Naniniwala si Iloilo 1st District Representative Janette Garin na kayang palawakin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo ng kanilang mga miyembro.

“Doable talaga at dapat taasan ‘yung coverage doon sa mga sakit na pwedeng magpahirap sayo,” wika ni Garin sa isang press briefing ngayong Huwebes.

Ani Garin, makakatulong sa pagsasakatuparan nito ang pagbabawas ng PhilHealth sa ilan nilang gastusin, partikular sa mga pang-administratibong gawain.

“Kasi marami naman talagang mga meetings na pwedeng gawin, ngayon lalo na’t may Zoom ka. Andodoon rin po kasi ‘yung— we really need to curb fraud kasi doon nga napupunta ‘yung panggastos sa mga totoong nag kakasakit,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Garin ay sang-ayon sa ideya ni Speaker Martin Romualdez.

Kamakailan lamang ay nagpatawag si Romualdez ng isang congressional review na naglalayong masilip ang charter ng PhilHealth.

Nais ng mambabatas na hanggang 50% ng bayarin ng mga PhilHealth members sa mga pribadong ospital ang sagutin ng ahensya.

Bukod pa rito, itinutulak ni Romualdez ang libreng medical exam upang agad na maagapan ang malulubhang sakit gaya ng kanser.

“PhilHealth should function akin to a health maintenance organization (HMO), focusing its resources on safeguarding the health of the populace rather than investing in commercial banks and bonds. With substantial annual allocations from Congress and regular contributions from private employees, there is no excuse for PhilHealth to scrimp on coverage,” wika ni Romualdez.